Tuesday, November 10, 2009

Pag-ibig: Salot sa Lipunan

Oh pag ibig, ano ba itong ginagawa mo?
Hindi ba't dapat saya ang dinudulot mo?
Ngunit bakit sakit at pag kukulang ang nadadama ko?
Unti unti na kong pinapatay ng pagkukulang mo!
Ayaw mo ba saakin? Ha? Kupido?
May karapatan din ba kayo pumili ng pasasayahin niyo?
Sana nga meron, ng hindi ko na nasimulan ito.

Pinilit kong maging masaya at perpekto sa mata mo
Pero hindi na kaya ng puso kong itago
Dahil durog na, durog na ang puso ko
Unti unti ng kumalat ang sakit na pinadama mo
Kumalat sa buong katawan ko!
Nanghihina na ko at malapit na sa katapusan ko.

Ayoko na sayo kupido! Sapagkat galit ang nadadama ko!
Sa tuwina'y iisipin ko ang pagmamahal
HIndi ako natutuwa! Nasasaktan ako!
Kinamumuhin kita!

No comments:

Post a Comment